BookShared
  • MEMBER AREA    
  • Pasalubong

    (By Maria Rilkë Arguelles)

    Book Cover Watermark PDF Icon Read Ebook
    ×
    Size 27 MB (27,086 KB)
    Format PDF
    Downloaded 668 times
    Last checked 14 Hour ago!
    Author Maria Rilkë Arguelles
    “Book Descriptions: Pagkamangha marahil ang unang wari ng mambabasa sa pakikipagniig nito sa unang aklat ng mga tula ni Maria Rilkë Arguelles—pagkamangha sa arok at saklaw ng kanyang panamdam, hiraya, at muwang; sa tatas at talas ng kanyang wika; at sa mura niyang gulang. Ngunit higit sa lahat, pagkamangha sa lawig ng kanyang pagbabahagi at mapagkaloob na tinig, sa bukas-palad na paglalaan at pagsasaalang-alang sa mga lingid at higit sa kanyang gagap, sa mga puwang at katahimikan, at sa pagpaparaya sa mga hindi pa ganap at napapangalanan. Gayundin, kapwa natin namamangha ang persona ng aklat habang inaaninag nito ang mga kababalaghan ng sarili, ang kakanyahan ng iba sa ako, ang hangganan ng katawan, ang masasalimuot nitong nasa at ugnayan sa iba, ang mga inaraw-araw na galaw at lunan, ang pananaig ng panahon at sandali, at ang kapangyarihan ng tinig ng nabubuong sarili (mabini ngunit mariin, tapat ngunit nakalingkis ang hiwaga). Matingkad ang pagsasalikop ng wika, pagkatha, kabatiran, at paghahawan ng sariling pagkakakilanlan sa proyektong ito, kung saan paghuhunos ang bawat tula at patotoo sa materyalidad ng danas. Kasabay ng pagsisikap unawain ang ilahas na katawan at pagsasatinig sa tagpi-tagping sariling nilikom mula sa sari-saring mga labí ang pagsisikap din ng makatang makipagdaop-palad sa likas at penomenolohikal na mundo. Magkatuwang ang yumi at dahas sa pagtutuos ni Arguelles sa iba't ibang hugis at antas ng ngayon at dito, pinupuspos ang lalawigan ng mga gunita at bokabularyo ng liwanag at lumbay, at muling binibihisan ng misteryo ang mga pamilyar at munti. Waring naaalimpungatan sa gitna ng dapithapon o madaling araw ang mambabasa mula sa panaginip, habang gising at mulat na mulat ang makata, itinatala ang mga hubog na kapwa napaparam at iiral pa lamang. Lubos akong nagpapasalamat sa dalang kaloob nitong butihing peregrino buhat sa kakayari niyang paglalakbay. Hindi magkukulang ang mga taludtod na itong tumbasan ang buong lugod nating pagsalubong sa kanya sa pagsapit niya at pansamantalang paghimpil muna rito.

    — Cristian Tablazón”

    Google Drive Logo DRIVE
    Book 1

    Brown Hole

    ★★★★★

    Israfel Fagela

    Book 1

    Sa Pagitan ng mga Emerhensiya

    ★★★★★

    Rosmon Tuazon

    Book 1

    How to Grieve

    ★★★★★

    Jade Mark Capiñanes