BookShared
  • MEMBER AREA    
  • Boarding House

    (By Jaileen F. Jimeno)

    Book Cover Watermark PDF Icon Read Ebook
    ×
    Size 26 MB (26,085 KB)
    Format PDF
    Downloaded 654 times
    Last checked 13 Hour ago!
    Author Jaileen F. Jimeno
    “Book Descriptions: BACK COVER TEXT:
    Ito ay naglalaman ng mga eksenang nagaganap sa mga paupahang bedspace, kuwarto, studio, apartment, at condo. Ang bawat taong sentro ng kuwento ay halaw sa pinagsama-samang karakter na nakilala at nakasama ng sumulat. Narito rin ang ilang personal na kuwento ng may-akda bilang isang batang nakitira at nanilbihan sa mahabang listahan ng mga kamag-anak at kakilala.

    Ang Boarding House ni Jaileen Jimeno ay hindi temporal na estasyon ng mga panandaliang-pagtira, tulog, kain, bisyo, at libog. Lunan itong nanahan sa kanyang pagkatao na may tagal nang pananatili at habambuhay na pag-iral sa kanyang kalooban at mga pagpapakahulugan sa buhay. Materyal ang koleksiyon ng mga personal na sanaysay na ito ni Jimeno para ituon ang ating mga pansin sa dalawang lakas ng naturang genre: Ang head-on collision at confrontation sa mga pagkakasala, kahinaan, kapalpakan, at pagkasubsob sa buhay na hindi maiiwasang ikumpisal ng gunita subalit mas nagpabangon sa manunulat—dahil hindi naman siya nagwala, nawala, at napariwara bilang tao; at ang pagbuo sa naratibo ng sariling buhay na hindi hiwalay sa mga buhay ng mga taong nakasama sa bawat personal na karanasang itinatanghal. Hindi madaldal ang naratibo ni Jimeno pero marami itong sinasabi at marami pa itong nais sabihin. Tiyak na matapos nating mabasa ang buong koleksiyon, itong “marami pang nais sabihin” ay iaatang natin sa ating mga sarili bilang pag-angkin natin sa bawat kuwento, sa bawat karanasan, sa lahat ng makikilala nating pagpapakahulugan.
    - Ferdinand Pisigan Jarin

    Para akong bagong boarder. Isa-isang ipinakikilala ni JJ Jimeno ang makakasama ko sa temporal na tagpuan at panahunan. Karikatura ng buhay. Pumipintig. Nanunumbat. Nagmamahal. Ilang David, Mama Rosa, Chloe, Matty pa ba ang mayroon tayo? Narito sa kalipunan ng narasyon ni JJ Jimeno ang nananampal na imbentaryo at katalogo ng buhay-buhay.
    - Joselito D. De Los Reyes

    Ang birtud ng koleksiyong ito na siya ring taglay ng lahat ng mga kuwentong masarap basahin at balikan ay ang kakayahang gawing pambihira ang karaniwan at pangkaraniwan ang pambihira. Sa pagsasalaysay ng salimbayan ng mga buhay na nagsasalubong at nagsasalabid, tila sinasabi sa atin ni JJ Jimeno na tayong lahat, tulad niya, ay isang “boarder forever.”
    - Chuckberry J. Pascual”

    Google Drive Logo DRIVE
    Book 1

    Seek Ye Whore and Other Stories

    ★★★★★

    Yvette Tan

    Book 1

    Some People Need Killing: A Memoir of Murder in My Country

    ★★★★★

    Patricia Evangelista

    Book 1

    Welcome to the Hyunam-Dong Bookshop

    ★★★★★

    Hwang Bo-Reum

    Book 1

    Kulang na Silya at Iba pang Kuwentong Buhay: Essays on Life and Writing

    ★★★★★

    Ricky Lee

    Book 1

    When the World Ended I Was Thinking about the Forest

    ★★★★★

    Glenn Diaz

    Book 1

    Some Days You Can’t Save Them All

    ★★★★★

    Ronnie E. Baticulon

    Book 1

    Dagli Diagrams

    ★★★★★

    Jayson V. Fajardo

    Book 1

    sa ibang katawan

    ★★★★★

    Lean Borlongan

    Book 1

    The Quiet Ones

    ★★★★★

    Glenn Diaz

    Book 1

    Para Kay B (o kung paano dinevastate ng pag-ibig ang 4 out of 5 sa atin)

    ★★★★★

    Ricky Lee

    Book 1

    City Stories

    ★★★★★

    Angelo R. Lacuesta

    Book 1

    Si Amapola sa 65 na Kabanata

    ★★★★★

    Ricky Lee

    Book 1

    Ang Bangin sa Ilalim ng Ating mga Paa

    ★★★★★

    Ronaldo S. Vivo Jr.

    Book 1

    Love in the Big City

    ★★★★★

    Sang Young Park

    Book 1

    How to Grieve

    ★★★★★

    Jade Mark Capiñanes

    Book 1

    Bahay ni Marta

    ★★★★★

    Ricky Lee

    Book 1

    Someone Who Will Love You in All Your Damaged Glory

    ★★★★★

    Raphael Bob-Waksberg

    Book 1

    Ang Kapangyarihang Higit sa Ating Lahat

    ★★★★★

    Ronaldo S. Vivo Jr.