“Book Descriptions: Ipinaalala sa atin ng mga tula ni Abner Dormiendo ang kapangyarihan ng liriko: bawat taludtod, daliring nangangalabit; ipinaalala sa atin na isa akong ako, isa ring ikaw, nagnanasa, nalilibugan, nagdedeliryo, umiibig, sinusubok na mabuhay sa paraang kaibig-ibig, nabibigo paminsan-minsan, at sa harap ng lahat ng ito, nagtatangkang umapuhap at magsawika ng sari-sariling katotohanan. “Heto ang sining ng lahat ng pagkawalay,” wika ng makata, at alam nating higit pa sa mga anino o pinto ng Antipolo ang kanyang tinutukoy. Heto ang sining— heto tayong kayang yanigin ng isang bago at malalim na tinig. Hindi ko alam kung may layunin ang tula, pero kung meron man, baka ito na nga iyon: Mas naging tao ako matapos mabasa ang mga tula ni Dormiendo.” DRIVE