“Book Descriptions: Maaari ring tawagin itong Confessions of a Catholic Girlhood salamat sa patuloy na pagmina ng collective experience ng libu-libong batang babae na nag-aral/nag-aaral sa private (predominantly Catholic) schools, mapa-co-ed man o exclusive, espesipiko pa sa mga weirdong batang babae, yung flat-chested kahit seventeen na tapos sando pa rin ang suot sa loob ng uniform habang everyone else ay naka-bra, yung marunong maggitara at magkeyboard na kumakain ng sariling kulangot kasi nabanggit niya sa retreat na ginawa niya ito once nung grade two siya kasi gusto niyang malaman kung ano ba lasa nito... there's one in every classroom, and if you're reading this, it's probably you, and know that you are loved, kahit awkward.
May angking sarkastikong talino at talento si Hulyen para kilalanin ang absurdo sa maraming paraan kung paano tayo kinokondisyon ng lipunan na maging straight na tao, na maging amenable sa lagay natin sa buhay, na kailangan nating gawin ang maraming maraming bagay dahil kapag hindi natin sila ginawa, hindi tayo productive member of society, at kung paano ang conditioning na ito ay nag-uumpisa sa paaralan, nagpapatuloy sa opisina, pinapalaganap ng mass media. Marami ring misteryong sinasagot ang librong ito: kung ano ang ipinagdarasal ng batang mabait sa chapel tuwing lunchtime, kung infinite nga ba ang potentials ng infinity dress, at kung saan papunta ang tagos sa palda. Tapos nakakatawa pa siya! #Blessed talaga ang komix na'to, na may 666 sa likod.” DRIVE