Pamamahay: Mga Sanaysay

(By Emmanuel T. Barrameda)

Book Cover Watermark PDF Icon
Download PDF Read Ebook

Note: If you encounter any issues while opening the Download PDF button, please utilize the online read button to access the complete book page.

×


Size 20 MB (20,079 KB)
Format PDF
Downloaded 570 times
Status Available
Last checked 7 Hour ago!
Author Emmanuel T. Barrameda

“Book Descriptions: Angkop na angkop ang piniling salita para kumatawan sa proyekto ng koleksiyon. Una, dahil sinusundan ng magkakawing na mga sanaysay ang paglalakbay ni Barrameda mula sa isang bahay patungo sa mga kasunod. Naimamapa ng aklat ang pagsisikap niyang makaugnay at mapabilang sa isang espasyo bagama’t paulit-ulit na napapawalay. Partikular ang mga sirkumstansiyang nagdadala sa kaniya sa mga bahay at ang tugon niya sa bawat pagkakataong “mamahay” ay pagmamapa rin ng kaniyang kamalayan. Nakikilala ng mambabasa ang kaniyang pag-aangkop sa kung paano siya nilulugar ng iba’t ibang salik panlipunan upang gampanan ang iniaatang sa kaniyang mga tungkulin, bilang bata, bilang anak, bilang apo, bilang kapatid, bilang teenager, bilang kapitbahay, bilang mamamayan. Hindi ito pananahan, na posibleng magpahiwatig ng paghinto dahil kampante na; bagkos, isa itong pamamahay, nananahan sa paulit-ulit na pagkatiwalag, sa pagka-hindi-mapalagay, sa paroo't parito ng kamalayan kahit sa pananatili. —Allan Popa”