Florence and Laury

(By shinichilaaaabs (Tammii Gomez))

Book Cover Watermark PDF Icon
Download PDF Read Ebook

Note: If you encounter any issues while opening the Download PDF button, please utilize the online read button to access the complete book page.

×


Size 25 MB (25,084 KB)
Format PDF
Downloaded 640 times
Status Available
Last checked 12 Hour ago!
Author shinichilaaaabs (Tammii Gomez)

“Book Descriptions: One message received.

From +639569xxxxxx

Hi, Fleri! I’m Florence. Gusto ko lang sabihin sa ’yo na crush kita. ^^

Halos tumalon at gumulong-gulong na ako sa kilig dahil sa natanggap kong message. Daig ko pa yata ang natawagan ni Kuya Wil at sinabing nanalo ako ng limang libo, plus bibigyan pa ng jacket. Tinakpan ko ang mukha ko ng unan at ilang beses na sumigaw.

Mula high school ay crush ko na si Florence. Naging makulay ang high school life ko dahil sa kaniya. Kung tatanungin ako kung ano ang pinakamagandang alaala na idinulot sa akin ng high school, iyon ay nang makilala ko si Florence. Kahit hindi ako nag-e-exist sa kaniya noong high school ay masaya pa rin akong makilala siya.

Halos mawalan na ako ng hangin sa kasisigaw bago ko inalis ang unan sa mukha at muling tiningnan ang text message niya.

Ngayon lang yata naging ganito kaganda ang gabi ko. Since junior high school ay hinihintay ko na ang pagkakataong ito! And this is it! It finally happened! Nag-text sa akin si Florence! Best night ever! Wohoo!

Pero teka lang, sandali . . .

Hindi nga pala ako si Fleri.”