“Book Descriptions: Damdaming nakabitin ng naghihintay na bading. Pag-iisa. Pa-aabang ng kung ano. Panandaliang pagniniig at ang pahabol na hininga. Hinabi mula sa hibla ng kagila-gilalas na buhay ng mga ordinaryong lalaking tumatambay sa mga sinehan at blue cafe, ang mga tula ay deretsahang magsalita tungkol sa mga tunggalian sa pagitan ng mga sugatang ego natin habang rumarampa o nakikipagrelasyon.