“Book Descriptions: "Taglay ng mga berso ni Gracio ang kapangyarihan ng mga naratibong pumupugod sa puso ng ating karanasan bilang mga mortal—tayong matagal nang nakaamba sa paghihintay, o simpleng nakatingala lamang sa kawalan, at namamangha sa kung paano ang espasyong atin, pero hindi natin maabot ay payapang binabaybay ng mga may pakpak—silang mga bumihag sa imahinasyon ng makata. Sa ikalawang aklat ni Gracio makakaasa tayo ng mga panibagong pagdulog sa mga mito at salaysay na muling tutuka, huhuni, at mananaghoy kasabay ng dahan-dahang paglagas ng mga balahibo katulad ng kay Icarus o ang muling pagpapaimbulog ng wakwak sa karimlan, upang hanapin tayong mga nagpupuri at nag-aabang na mambabasa,na sa pagtatapos ng bawat tula ay tila mga birhen tayong binisita ng anghel na naghatid ng ebanghelyo ng ating pagbubuntis sa nakakabaog na panahon."